04/03/2026
₱18 Trilyon na Utang ng Pilipinas — Magkano na ang Hati Mo?
Umabot na sa ₱18.16 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas noong Pebrero 2026, ayon sa Bureau of the Treasury. Bahagya itong tumaas mula sa ₱18.13 trillion noong Enero—katumbas ng 0.14% increase.
Sa tinatayang populasyon na humigit-kumulang 114 milyong Pilipino, lumalabas na ang utang kada tao ay nasa paligid ng ₱159,000.
Ayon sa gobyerno, “manageable” at “well-managed” pa rin ang sitwasyon. Ang pangungutang ay ginagamit para pondohan ang mga proyekto tulad ng:
✅Infrastructure (kalsada, tulay, transport systems)
✅Pampublikong serbisyo (edukasyon, kalusugan)
✅Mga programang pang-ekonomiya
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang utang na ito ay binabayaran gamit ang buwis ng mamamayan, kaya may direktang epekto ito sa ekonomiya at sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.